Ellen nagtago sa Instagram

Naka-private na naman ngayon ang account ni Ellen Adarna at hinihinala ng ilang mga netizen na baka nanganak na raw ito sa first baby nila ni John Lloyd Cruz. Ang iba naman ay natuwa at sana raw ay huwag na itong bumalik sa Instagram.

Pero mayroon din namang naaawa sa kanya dahil napaka-toxic ng kanyang pagbubuntis na since day 1 ay puro intriga na lang ang inabot at puro kanegahan. Nakadagdag pa nga itong pagsasampa sa kanya ng demanda ng nanay ng isang netizen na nakaaway niya sa social media.

Kami man, agree kami na mas naging masaya sana ang pagbubuntis ni Ellen kung hindi nila ito itinago ni Lloydie sa publiko since alam naman niyang sooner or later ay hindi naman maiiwasang malantad ito. So, bakit hindi pa umamin noong una pa lang?

Siyempre, mga artista sila kaya interesado ang publiko sa kanila na ewan kung bakit parang hindi nila matanggap.

Anyway, kaarawan ni Lloydie last Sunday, June 24 at napakatahimik niya itong ipinagdiwang unlike last year na nagkaroon pa siya ng party.

Wala ring gaanong nakaalalang batiin siya sa social media at mangi­lan-ngilang gree­tings lang yata ang nakita namin for him. Well, ito naman ang gusto niyang buhay yata talaga, so hayan na.

***
Kris nadiskubre kung bakit na-in love si Julia kay Joshua

Para kay Kris Aquino naibigay niya sa pelikulang I Love You Hater ang best performance niya simply because magaling ang direktor niyang si Giselle Andres.

Ikinuwento rin niya na sobrang naging emosyonal siya sa shooting at tumaas ang blood pressure niya.

“They gave me a script that on that day that I had to shoot it, sa sobrang naging emotional, nag-160/120 ang BP at tatlong araw na nakaratay after that.

“So, ganu’n siya kaga­ling na direktor,” sey pa ni Kris.

When asked kung ano naman ang masasabi niya sa mga co-star niyang sina Joshua Garcia and Julia Barretto (JoshLia), ani Kris, sana raw ay ganu’n din siya kamasunurin noong kasing-age niya ang mga ito.

“Kasi, they know what the craft is all about. They respect the work,” papuri ni Kris.

Kaya nga raw ang bunso niyang anak na si Bimby ay sobrang in-love kay Julia at hinihintay lang daw nito na may gawing mali si Joshua. Meaning, ba­lak ligawan.

Ayon pa kay Kris, ibang klase raw ang kamandag ni Julia.

“But she is just so raw and so real, and I just have to say and I say this without meaning to offend anybody but my son identifies so much with her. So, ‘pag may ganu’n ka, that already means you have a gift. Na if someone can see himself in you, in your life experiences, that will mean na napakagaling mong artista,” ani Kris.

Si Joshua naman daw noong umpisa raw ay talagang hindi niya ito masyadong kilala at nakilala na lang niya syem­pre habang ginagawa nila ang film.

“But the more I got to know him, naintindihan ko na kung bakit in-love si Julia,” sabi pa ni Kris.
Palabas na ang I Love You, Hater sa July 11.