Ellen naudlot ang bonding sa dyowa

NI: ASTER AMOYO

Hindi matutuloy ang planong pag-alis ni Ellen Adarna patungong Madrid, Spain .Naka-base roon ang kanyang bagong inspirasyon na si Carlos Lemus.

Nakansela ang kanyang advance booking at itinerary sa Spain dahil sa global COVID-19 pandemic .

Dahil dito, nagtitiyaga na lamang sina Ellen at Carlos sa long-distance relationship (LDR) sa ngayon. Pero ang maganda, fulltime mom siya sa kanyang almost two-year-old son na si Elias Modesto . Tumutulong din siya sa pagpapatakbo ng kanilang family business lalo’t wala na ang kanyang ama na si Alas Modesto.

Hindi rin ikinakaila ni Ellen na masaya and at peace umano siya ngayon. Ito’y matapos sumailalim ng two-week health and mental training sa Bali, Indonesia. Dumanas kasi siya ng depression at anxiety.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Ellen kung ano ang dahilan sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz.