Ellen oplan ligwak kay Ivana

ni: ARCHIE LIAO

Marami ang nagsasabing kinabog na ng sexy actress na si Ivana Alawi ang mga dating nagreyna-reynahang diyosa ng kagandahan tulad ng Cebuana actress na si Ellen Adarna.

Sa kaso naman ni Ellen, may iba’t-ibang pakulo siya para muling mapanumbalik ang interes ng kanyang mga follower.

May mga question and answer pa siya kung saan sinasagot niya mismo ang netizen na faney din niya.

Sa kanyang pinakabagong pakulo, nag-share siya ng bagong rendition niya ng trending na “Bawal Lumabas” habang tinutugtog niya ito sa piano.

Todo papuri siya sa kapuwa Bisaya niyang chinita princess dahil sa achievement nito.

Sey pa niya, bilib din daw siya sa pag-handle nito ng kanyang mga basher.

“@chinitaprincess dai, this song brings so much positivity and laughter in my household. The Best quarantine soundtrack!” aniya.

Ang kanyang version ng nasabing video ay tinatawag niyang GCQ song.

Hirit naman ng ilang kate-katerang netizen, nakipag-alyansa raw si Ellen kay Kim dahil gusto nitong iligwak ang bagong niyang karibal na si Ivana.

Gusto rin daw ipakita nito na kahit may anak na ay may ilalaban pa rin ito kay Ivana sa talento bukod sa paseksihan.

Pero intriga lang ‘yun kay Ellen dahil very vocal naman ito na ayaw pa niyang bumalik sa showbiz.Magpapakananay muna kay Baby Elias ang drama niya.