Ellen sisiw ang paglimot kay John Lloyd

NI: RONA RONDA

Kung ang iba ay nahihirapang mag-move on sa mga minahal nilang tao, iba ito sa kaso ng aktres na si Ellen Adarna. Sisiw lang sa kanya ang pagmove-on.

May isang netizen kasi ang nanghingi ng payo sa kanya kung paano mabilis maka-get-over sa naging ex. Sey ni Ellen, dalawang linggo lang ang itinatagal ng kanyang pagmove-on.

Bagawat walang nabanggit na pangalan, maaaring ito rin ang nangyari sa kanila ng ex-partner na si John Lloyd Cruz.

Dalawang linggo lang ay naka-get-over na siya dahil kamakailan ay kinumpirma niyang may bago na siyang dyowa.

Sey ng aktres mula sa pagkaka-translate sa Bisaya, “Di naman ako nagmukmok. Two weeks lang ako magmukmok if brokenhearted.”

Malakas umano kasi ang loob niya dahil sa buong pagmamahal ng kanyang mga magulang.

Sa dating Instagram story ng aktres, iginiit niya na palaging may pagpipipilian sa buhay. Aniya, “You know you have a choice. It’s not like you don’t have a choice. So the answer is within you. What you allow is what will continue.”

Kapag tapos na ay tapos na. Di na umano siya nag-aaksaya pa ng panahon dahil hindi naman titigil ang mundo.

Bagamat nadaling nakaget-over ang aktres sa naging past relationship niya, tila kwestyon naman ang pagkakaroon niya ng depresyon. (Rona Ronda)