Marami ang nakapansin sa hitsura ni Ellen Adarna na mukhang lasing habang nagpe-perform sa piano. Naka-post ito sa kanyang Instagram account na @maria.elena.adarna. May caption ito na, “F na F to the Highest. The Scientist – Coldplay #quarantimes.”

Reaction ng mga netizen : @archmua, “Hilarious. It always seems like you had a few drinks.”

@dellshare888, “@archmua tama ka ,nahubog npud nisugod nasasd”

@ oplsagun, “@archmua mukha nga pong nkainom😮”

Pakli naman ni Ellen, @maria.elena.adarna, “@archmua i havent touched alcohol in 2 months btw. And will not be drinking until quarantine is over.”

Comment naman ni @myrtega, “@maria.elena.adarna Even if ECQ is over, don’t na sana! Stop na sana!”

jardani_76, “@maria.elena.adarna its take time to heal, stay away from any form of abuse, focus on what makes you happy 🍻🍻.”

@gedfitz. “@maria.elena.adarna congratz! A better Ellen Adarna here she comes. 👍”

@@@

Alden napisil sa 2020 Ultimate Asian Heartthrob

Isa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pinangalanang “Ultimate Asian Heartthrob of 2020” ng poll na isinagawa ng Starmometer . Nasa 6th place ito sa listahan. Taun-taon ito kumakalap ng mga boto ng mga fan sa buong Asya! Umabot sa total of 137,680 votes mula Facebook, Twitter, at Instagram ang nakuha ng ‘Centerstage’ host. Siya lang din ang kaisa-isang Pinoy na nakapasok sa Top 10! Sumunod sa pangalan niya ang mga sikat na international performers na sina V, Jungkook, Jin, at Jimin ng BTS, at ang Thailand actor na si Saran Sirilak.

Dagdag na naman ito sa mas dumaraming karangalan na natatanggap ng Kapuso star.

@@@

Rain todo praktis

May oras para maghanda ang unang grand finalist ng ‘Centerstage’ na si Rain Barquin habang ECQ. Sa isang video, ipinasilip niya kung ano ang mga ginagawa niya bilang pagi-ensayo.

Aniya, “Ang una po ay magvo-vocalization. [Pangalawa] Ngayon po magma-mic po kami pero wala po itong sound. Ginagawa po namin ‘to araw-araw ni Papa para malaman ‘yung mga mali, kung nagpa-flat po o kaya nagsa-sharp. ‘Tsaka maaayos din po ‘yung tamang paglayo ng mic at paglapit po,”

Saad ni Rain, nakaka-10 hanggang 15 kanta ang napa-practice nila sa isang araw, “Kung tutuusin nakakakanta kami ng 10 to 15 songs sa araw-araw na practice namin.”
Itinanghal na unang Grand Finalist si Rain matapos tatlong beses magwagi.