Ellen tinawag na gurang

NI:ROLDAN CASTRO

Hindi nilubayan si Ellen Adarna ng mga basher habang nagpo-promote siya ng maging fit at healthy sa quarantine.

Nag-post siya ng larawan na may caption na , “Post Light Workout Churvaloo.” ay may nag-comment ng “she’s getting old”

Resbak ni Ellen “We all are getting old every second… even you… #commonsense”

Humirit pa ang aktres dahil may nag-nega sa sagot niya,” I was also telling the truth… stating a fact that we all grow old every second… common sense lang naman diba? Hindi naman yan calculus level problem solving kinda thinking…. right??? so? Whats wrong? Why are u so offended? I dont see growing old as negative by the way thats your interpretation, not mine.”

May pumuri rin sa alindog ng aktres.

@johnpaulduray, “Infair, ang ganda ng pagkaganda mo ngayon. “

@yogahubjen, “Ka Gwapa!!!”

@danellouise, “Saan ang hustisya???? Grabe fresh after workout. “

@jasondaruler, “oh edi ikaw na naligo sa labas nung nagpaulan diyos ng ganda.”