Ellie, kawawa sa BANGAYAN nina Jake at Andi

ELLIE & ANDI

HE said. She said.

Iyan ang dramarama nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann. Matapos ang naunang mga patutsada at tirada ni Eigenmann, hindi na nakapagpigil pa si Ejercito at may official statement na itong inilabas.

Si Andi, may mahahabang rebuttal sa mga sinabi ni Jake.

Ang tanong, kaninong katotohanan tayo maniniwala? Sino ang mas aantig sa ating mga damdamin?

May tama ba at may mananalo sa away na ito? ‘Pag dati bang nagmamahalan, talagang ganito lagi ang mga kasunod na kaganapan?

Ang isang katotohanang tila nakakali­mutan ng dating mag­sing-irog ay ang kanilang anak na si Ellie.

Kawawa sa ­kwentong ito ang bata. Lahat ng ito, mababasa niya ‘pag ­natuto na siyang guma­mit ng internet.

Hindi tama para sa emotional health at well- being ni Ellie ang away na ito of her biological parents.

May panahon na magtatanong ito, magta­taka, mabibigla, magta­tampo at masasaktan.

Guguho ang kanyang near perfect world. In the eyes of a child, her parents can do no wrong tapos, may ganitong pangyayari?

Paano nila ipapaliwanag sa munting prinsesa nila na it has come to this?

A well-documented word war at that na tagos sa puso at kaibuturan ang bawat salitang sinambit at nakalathala?

Ang kasunod ay pagta­tagpo sa korte.

Kapwa adults na ang dalawa, parehong head strong at tila walang handang mag-give way sa ipi­naglalaban nila. Ipinag­lalaban nila ang sa tingin nila ay best for ­Ellie’s interest.

­Interest nga ba ni Ellie ang kanilang iniisip o ang kanilang personal na interest, na Ellie is mine and mine alone?

Bago pa mahuli ang ­lahat, let us hope na ­cooler heads will intervene, some ­authority ­figure perhaps will come into the picture at pagharapin na sila privately para huwag na mag-escalate further ang word war.

Kina Andi at Jake, tigil-pu­takan na sana alang-alang sa panganay ninyo.

Kahit saang anggulo tingnan, pareho kayong may mali sa pagkakataong ito.

Hindi madali ang sitwasyon pero please, para sa anak ninyo, you guys know that she does not deserve to be in the middle of the war that you are waging.