Awkward at its finest ang dating ElNella loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador na ngayon ay magkasama sa Canada.
Walang choice ang dalawa kundi magpaka-professional dahil may tatlong shows sila roon na matagal nang natanggap bago pa sila nagkaroon ng isyu at nagkagalit.
Habang ang magdyowang KathNiel ay swit-switan sa pics, ang ElNella ay ang awkward ng mga ngiti at parang may pader sa pagitan nila.
Kung sila pa sana, ang ganda sigurong pagmasdan na nakikipagsabayan sila sa kaswitan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Comment ng mga fan, kailangan siyempreng makunan ng pics ang ElNella na magkasama dahil may concert tickets silang dapat ibenta.
Buti na lang din at KathNiel ang bida sa nasabing concert tour sa Canada dahil tiyak na maraming bibili ng tiket.
Ang mga ElNella fan ay mukhang prepared nang wala silang mapapanood na tamis-tamisan moments nina Elmo at Janella dahil malamang kanya-kanya ng number ang mga ito at hindi magsasama onstage.
Sey pa ng mga netizen, malamang awkward din ito for KathNiel dahil hindi sila makatodo ng sweetness sa harap nu’ng dalawa. So, sila ang mag-adjust, ganern?
Tapos, nag-sweet moments din ang KathNiel nang pumunta sila sa ma-snow na Banff National Park sa Alberta. Gandara ang shots ng dalawa.
May ganu’n din sana ang ENella kung hindi sila nagkasira. Sayang, ang sama ng timing. Nanghihinayang kaya ang dalawa na nag-away pa sila?!
Sa pasyal nilang ‘yon sa Banff ay may picture ulit ang apat, na magkadikit na ang ElNella at wala nang space sa pagitan nila. Naka-smile din ang dalawa for the camera.
November 2 ang first show nila sa Calgary, then Vancouver ng Nov. 3, tapos ay Nov. 10 ang last show nila sa Toronto.
Ang daming araw nu’n. Baka naman magkausap at magkaayos ang ElNella bago matapos ang trip nila na ‘yon.
Kung puwede naman silang maghiwalay ng landas as friends, why not, ‘di ba?!
‘Wag malulong sa eSport — Myrtle
Hindi lang pala cosplayer at anime lover si Myrtle Sarrosa, gamer din siya na magaling sa videogames.
Ilan sa mga celeb na nakakalaro niya ay sina Jerome Ponce, Nash Aguas, Vin Abrenica at si Arjo Atayde na kakasimula lang.
Bata pa lang ay mahilig nang mag-games ang 23-anyos na si Myrtle. Minsan na raw siyang naadik sa kakalaro, na halos 24 hours straight siyang naggi-games lalo na nu’ng kaka-graduate niya lang sa UP na ang dami niyang time.
Minsan, kahit nasa set siya ng taping o shooting ay naglalaro raw si Myrtle lalo na ng sikat na PC at mobile game na PUBG (PlayerUnknown’s Battlegrounds).
For fun lang nagsimula, pero ngayon ay nasa Bangkok, Thailand si Myrtle at lalaban sa 100 players from Asia Pacific countries sa PUBG tournament na Omen by HP Challenger Series.
Isa itong battle royale na magpapatayan ang lahat ng players hanggang sa isa na lang sa kanila ang matira.
Kasama si Myrtle sa 4-member na Team Philippines na hanggang ngayon ang laban sa BKK. Bukas malalaman ang winner na mag-uuwi ng premyong half a million pesos.
First international gaming competition niya ito at proud siya to represent our country. Ang taray dahil siya pala ang first celebrity na nag-join sa ganito abroad.
May warning si Myrtle sa mga kabataan na mag-enjoy lang sa gaming bilang eSport, pero huwag malulong dito. In fairness ay meron kasi talagang magagaling dito na nagiging pro gamers at puwede silang kumita ng malaking dolyares dahil lang sa paglalaro.
Inamin sa amin ni Myrtle na minsan na siyang nainlab sa isang gamer at tumagal sila ito ng isang taon.
May bago siyang manliligaw ngayon na gamer din. In fairness ay geeky raw ang mga ito at hindi player pagdating sa love.
Natawa kami sa dayalog niya na karamihan sa mga ito ay mapuputi at makikinis. Hindi kasi naaarawan, laging indoors, naka-aircon at panay lang ang videogames.
In fairness ay may tatlong movies si Myrtle with Regal Films. Kasama pala siya sa “Recipe for Love” ni Christian Bables, tapos ay leading lady siya sa romcom na “Papa Pogi” na kapareha niya si Teddy Corpuz. Patapos na raw sila sa movie, na directorial debut ng komedyanteng si Alex Calleja.
Isa rin si Myrtle sa mga bida sa barkada movie na “Henerasyong Sumuko sa Love” kasama sina Tony Labrusca, Jane Oineza at Jerome Ponce. Medyo sexy raw ang role niya sa pelikulang ididirek ni Jason Paul Laxamana.