Ni Alwin Ignacio

Panahon na para ihayag sa Diva Chronicles ang mga nilalang sa showbizlandia para sa taunang You’ll Never Make It List.

Ang mga kasama sa listahan ngayon ay ginawa na ang lahat para magpapansin, pansinin at kung ano-ano pa. Kahit pa yata tumapak sila sa apoy o kaya lumunok ng milk of human kindness na may video documentation pa, wa pakels ang balana, dabarkads, madlang pipol, Kapuso at Kapamilya. Yes, kaya sila na nasa listahan, they did not make it?

1. Mystica

Umatungal, nag-hysterical, nagmakaawa! Pinagbigyan ni Coco Martin, naisama sa FPJ’s Ang Probinsyano, dahil sa sobrang galing niya, ayun, binaril ang kanyang katauhan sa three-year-old and counting action drama series. Nagsumamo kay Michael V, deadma si Bitoy, good for him. Nagpapansin kay Dingdong Dantes, double deadma si Jose Sixto. He knew better. Nagpasaklolo kay Raffy Tulfo kasi nga may dalawa siyang basher na sobra na daw ang panlalait sa kanya. Ang Idol ng Bayan, tinulungan ang Reyna Isplitera. Hindi masaya ang babaeng parang sumisigaw na may lobong paparating, si Raffy naman ang kaaway niya ngayon. Sugrekwang crocodile luha na may kasamang uhog, yuck! Hay naku, tandang pangdamdam na ang kanyang pagiging you’ll never make it.

2. Kristoffer Martin

Super promising dati, may acting award pa nga, magaganda naman ang mga proyektong ibinibigay sa kanya sa ka-siyete pero bakit parang ti­nimbang ka ngunit laging kulang ang pagsamba at pag­yakap sa kanya? Huling napanood sa Victor Magtanggol, parang wala naman yatang naitulong dun ang presensiya ni Martin kaya tigbak agad. Dahil diyan, alam na alam na, you’ll never make it!

3. Charice Pempengco

Kahit pa nga pinatapyas na niya ang kanyang mga susong dalaga, may dramang nag-pu-push para maging buff, at ginaya pa ang liquor commercial ni Coco Martin, Pempengco will never make it as Jake Zyrus because of one Biblical truth, “Honor thy father and thy mother.” Hangga’t hindi niya pinapatawad ng taos sa puso ang kanyang inang si Racquel, she can kiss her career goodbye.

4 Ella Cruz
5 Julian Trono
6 Jack Reid
7 Andrew Muhlach

Ilan sa mga bida sa Squal Goals, na parang sila-sila lang ang nanood. Ang kakambal nilang pelikula, Walwal, na sila-sila rin lang ang nanonood.
Kay Ella at Julian, sila na yata ang od­dest pair sa Philippine Tinseltown at kahit pa nga charming naman talaga si Trono, puwede pa nga itong maging Asian idol kung talagang super pushed ang kanyang KPOP training dati, hindi makatarungan na ipareha siya kay Ella.
Si Jack, with James lording over his flock, there is no more room for another Reid lalo na nga’t he is no way near the hotness and the devil may care attitude of his kuya.
Si Andrew, after Niño Muhlach, his cousin and half brother Aga Muhlach, wala na yatang Muhlach na magiging star fire hot ang karera tulad ni Niño na da­ting boy wonder, at kahit ang reign ni Aga bilang the Philippines’ Ultimate Romantic Leading Man, aandap-andap na rin, maski itanong niyo pa sa movie nila ni Bea Alonzo. All is lost with this new Muhlach on the block.
Kina Ella, Julian, Jack and Andrew, hindi na siguro kayo magdadabog pa sa katotohanang you guys never made it.

8. Elmo Magalona

Ang biggest star sa Walwal, walang naitulong ang kanyang pagiging “star” para manood man lang ang mga tao sa sinehan. Walang dudang Walwal did not rise to the expectation na magiging millennial Pare Ko. Baka nga mas maganda pa ang The Punks nina Leni Santos at PJ Abellana, huh! Ano ang natatandaan tungkol kay Ma­galona aside from his pretty face and mga matang blangko at walang kahit na anong ekpresyon, ang alegasyon na si Janella Salvador, “hit me baby, one more time,” ang kanyang ginagawa. Sa paghihiwalay ng dekolor at puti nila, saan pa pupulutin ang karera ni Magalona? Sa kangkungan? Kalabasahan? O pansitan? Kaya, Elmo, we feel you kaya tanggapin mo na pasok ka sa listahan this year.

9. Jake Vargas

Kahit pa may mga regular show ang binatang who did not grow tall at mukhang ang kanyang pagiging forever young eh isang sumpa dahil nga hindi na bumong­ga pa ang kanyang karera. Alam mong andiyan pa siya, marunong umarte, mabait naman yata pero parang mas may chance pang sumikat muli si Buboy Villar o kaya si BJ Forbes kesa sa kanya. May pag-asa pa bang ma-reinvent o maging relevant pa muli si Jake? ‘Pag naging barkada kaya siya ni Jake Zyrus, matulungan kaya nila ang isa’t isang huwag munang maging kasapi sa League of Extra Ordinary Has Beens?

10. Xander Ford

And we are saving the best for last, ang poster boy this year ng You’ll Never Make It List, ano pa nga ba blooming, walang iba kundi si Xander Ford! Ang lalaking science project, tapos na ang 15 minutes of fame, wala na ring nanalig sa kanyang mga payanig at paandar kaya nga forever is not enough ang kanyang pagiging the WHO at yes oh yes, we know why he so deserves to be in this listahan.

My Beautiful Ones and dear Abante TONITE readers, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon hanggang sa susunod na You’ll Never Make It List!