WALEY: Hindi maliit na bagay.

Noong nabubuhay pa ang Master Rapper na si Francis Magalona, isa sa mga sinasabi tungkol sa kanya, maliban sa kanyang pagiging baby-faced at magaling na makabayang rapper ay isa siyang ‘gifted’.

Nanatili iyong kasama sa charm ni Kiko kahit hindi doon nakatuon ang paghanga sa kanya ng mga tao kung ‘di sa kanyang husay sa pagra-rap at sa pakikisama sa kanyang mga katrabaho.

Nandu’n pa rin ang usap-usapang ‘gifted’ siya.

Maging ang kaibigan naming si Pia ay tinutukso namin tungkol dito, na karaniwan ay sinusuklian lang niya ng isang sutil na ngiti at pagngunguso.

O well, nakarami rin naman kasi si Kiko … ng anak, ‘di ba?

CUT to — sa isang pag-uusap namin sa mga kaibigang direktor na sina Jun Lana at Perci ­Intalan, naitanong namin kung kumusta na ang My Fairy Tail Story.

Napakasaya nilang sinabi na smooth ­sailing ang shooting, masaya ang set at walang karekla-­reklamo ang kanilang lead stars na ­sina ­Janella Salvador at Elmo ­Magalona.

Very naughtily, natanong ko sila, kumusta naman si Elmo, gifted din na katulad ng mahal na ama nito?

“Ay! Sabi ng staff, oo!” sabi ng mag-­asawang direktor. “At mapapatunayan nila ‘yan sa pelikulang ito.

“In fairness, malaki ang pelikula at ginagastusan ng Regal talaga kaya kaabang-abang.

­Kita mong mahal na mahal ng camera ang dalawa,” sabi ni Direk ­Perci na siyang nagparayang huma­lili kay FAP Best Director Jun Lana na busy ­ngayon sa Ang ­Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann Santos at Angelica ­Panganiban.

Sa pelikulang ito, may mga eksenang basa sina Elmo at Janella dahil kuwento ito ng sirena.

Sa My Fairy Tail ­Story, maiiba na ang tingin ng ibang tao kay Elmo. Mapapatunayan kaya na ‘gifted’ siya rito?

Isang malutong na OO ang sagot ng staff ng mag-asawang direktor.

***

Nora Aunor
Nora Aunor

HAVEY: Labas na ang balita na nakatakdang magdirek ng dalawang pelikula ang ating mahal na Superstar ­Nora Aunor.

Sumubok siyang magdirek noong 1989 ng The Greatest Performance Of My Life kasama sina Tirso Cruz III, Michael de Mesa at Julio Diaz.

Gumastos na siya ng may P3M pero hindi na ito na-release. Sana, mai-restore ito dahil magandang record ito ng buhay-direk ni Ate Guy.

Matatandaang noong Pride Month ay dumalo si Ate Guy at nakiisa sa LGBT groups.

Nagpahayag siya na may gagawin siyang pelikula na may ganu’ng ­tema, ang pagtataguyod ng gay rights.

Una nang nag-post sa Facebook si Tita ­Fanny Serrano na isang mala­king karangalan na maimbitahan ni Ate Guy na maging parte ng pelikulang ito.

Kasalukuyang kina­kausap din si Paolo ­Ballesteros para sa role ng anak ni Ate Guy.

Balitang kasama rin sa proyekto sina ­Rossana Roces, Amy Austria at John Rendez at nitong huli, kinontak na rin si Richard Quan bilang ­lover ni Tita Fanny.

Kapuri-puri ang pagsabak ni Ate Guy sa iba na namang larangan ng paggawa ng pelikula.

At ang balita pa’y hindi lang isa kung ‘di da­lawang pelikula ang nakatakda niyang idirek.

Ang ikalawa ay tungkol sa isang delubyo na kinatatakutan nating maranasan.

‘Yun na muna raw ang patikim ng kampo ni Ate Guy sa mga magaganap sa kanya sa mga darating na araw, habang hinihintay natin ang pag-usad ng kanyang nominasyon bilang National Artist at ang kanyang 50th Anniversary sa showbusiness sa Oktubre.

Ang tanong, dadalo kaya sa Star Awards for Movies si Ate Guy sa Linggo?

Magkikita kaya sila roon ni Ate Vi?

Parang back-to-the-70s mode na naman ito. Abangan!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.