Elmo pinagbintangang nanakit kay Janella

Naging usap-usapan ang naging post ni Janella Salvador tungkol sa mga lalakeng nananakit ng babae.

Emote niya, ‘Everyone deserves someone who does not hurt them even when they’re drunk.’ Men who are raised proper­ly are never supposed to hurt women no matter what.”

Lalong nabuo ang sapantaha na battered ang singer-actress nang mag-post naman ang friend niyang si Julia Barretto kung saan nagluluto si Janella pero kitang-kita ang galos niya sa kanyang kanang kamay.

Sunod-sunod na ang komento ng mga sympathizers ni Janella kung saan nasangkot ang pangalan ng rumoured boyfriend nitong si Elmo Magalona.

Sey ng isang netizen: “Minsan talaga­ wala sa itsura yung mga lalaking nananakit ng babae.”

Hirit naman ng isang netizen “Tweet iyan ni Janella after nila magparty ni Elmo sa isang bar last week….”

Dahil hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Janella at maging si Elmo, may mga nagpapalagay tuloy na sinaktan umano ang anak ni Jenine Desiderio ng rapper-actor.