HAVEY: Mukhang napalitan na at nag-iba na ang ihip ng hangin sa teleserye na dapat pagbibidahan nina Elmo Maga­lona at Janella Salvador na Kung Kailangan Mo Ako.

Nag-first taping day na ang naturang teleserye at si Joshua Garcia na ang sentro ng istorya.

Makakasama niya ulit si Loisa Andalio na may mataas ding rating sa Wansapanataym.

Kasama pa rin ang loveteam na McLisse nina Mackoy de Leon at Elisse Joson na tapos na sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ano na ang mangyayari sa ElNella loveteam?

Ang pagkakarinig ko, ire-reassign yata sila sa ibang soap at magge-guest muna sila sa Wansa, MMK, Ipaglaban Mo at iikot muna sila sa guestings sa mga Kapamil­ya shows.

Meron din silang tinatapos na My Fairy Tail Love Story under Regal Films.

Sa tingin ninyo, ano kaya ang puwedeng gawin nina Elmo at Janella para pumantay kina KathNiel at LizQuen at JaDine?

***

Judy Ann Santos
Judy Ann Santos

WALEY: Halos araw-araw nang nagte-taping ang A Love To Last nina Bea Alonzo, Ian Veneracion, at Iza Calzado.

Muntik nang hindi kayanin ng schedule ni Ian ang pagge-guest sa US Concert Tour ng Megastar Sharon Cuneta.

Yes, sasabak sa pagko-concert si Ian by virtue of his Jose Mari Chan revivals sa teleserye.

In fact, halos siya ang laman ng soundtrack ng A Love To Last kaya isang bagong Ian Veneracion na singer ang mapapanood ng mga tao sa June 16 sa Chumash Casino Resort, June 17 sa James Logan High School sa Union City, California, at sa June 24 sa Alex Theater sa Glendale, California.

Kasama ni Ian bilang guest ang The Voice Kids Finals-Team Sharon na si Antonette Tismo.

Imbes na magtuluy-tuloy si Ian sa US, pinapauwi muna siya sa Manila para mag-tape sa ALTL bago siya bumalik papuntang L.A.

In fact, hindi na siya pinayagang mag-absent para sa New York leg ng Mega US Tour kaya si Ai Ai de las Alas na ang makakasama ni Mega sa July 8 & 9.

Ang magandang balita sa Sharonians, kasama na ang fans nina Judy Ann Santos at KC Concepcion, magsama-sama sila sa taping ng isang espes­yal na 1st Anniversary episode ng Magandang Buhay.

That casting coup will truly be worth waiting for!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

8 Responses

  1. Palitan si Elmo Magalona. Mediocre ang mga Magalona siblings. They only have the “Magalona” name that keeps them afloat in showbiz otherwise, hindi sila pagkakainteresan ng mga networks at producers.

      1. eh sa hindi ko kilala eh? pa inglish inglish ka pa eh andito ka lang naman sa tabloid nagbabasa! bwahahahaha eh ikaw baka puro artista yan nasa utak mo! pweh!

      2. Whats wrong if puro artista and tabloid. Do you mean those who read tabloid cannot speak english? I read UK tabloid Daily Mail too and US tabloid magazines. I looovvvee them.

      3. hahahahaha me affected? hindi dyan umiikot ang buhay ko! cge balik na ko sa kweba ! baka next time syrian tabloid naman ang binabasa mo! have a nice weekend!