Pinakilos ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter S. Cayetano ang mga opisyales ng Philippine Embassy sa Madrid na ipagkaloob ang lahat ng tulong sa Filipina na malubhang nasugatan sa terrorist attack sa Barcelona.

Sinabi ng kalihim na inatasan nito si Embassy Chargè d’Affaires Emmanuel Fernandez na agad na magtungo sa Barcelona upang asistehan ang Filipina na si Jumarie ‘Jom’ Cadman, na patuloy na nasa maselang kondisyon sa ospital.

“It saddens us to inform the public that a kababayan of ours from Australia and her seven-year-old son are among the victims of last Thursday’s terrorist attack in Barcelona,” ayon kay Cayetano.

“I have directed our Embassy in Madrid to proceed to Barcelona and extend all possible assistance to our injured kababayan and to exert all efforts to help find her son,” sabi pa nito.

Ayon naman kay Fo­reign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Arriola, si Jom, 43-anyos ay asawa ng isang British national na naka-base sa Australia sa loob ng tatlong taon.

Napag-alaman ding nagtungo ang nasabing Pinay at anak nito sa Barcelona para dumalo sa kasal ng pinsan nito mula sa Pilipinas nang mangyari ang trahedya.

Binisita na rin ni Ho­norary Consul Jordi Puig Roches ang biktima sa ospital matapos ipabatid ng mga awtoridad ang detalye kung saan agad namang nakipag-ugnayan ang DFA sa mga kaanak nito sa Pilipinas.