May sagot si Andrew Bogut sa pambabaterya ni Joel Embiid sa Golden State Warriors.

Pagkatapos ng 112-108 win ng Philadelphia sa Brooklyn noong Sabado na nagbigay ng 3-1 lead sa 76ers sa Eastern Conference first-round series, nagbitaw ng salita si Embiid.

“We definitely don’t want to be in the situation like the Warriors two years ago,” sagot niya ng matanong tungkol sa panalo.

Tinutumbok ni Embiid ang 3-1 lead ng Golden State sa NBA Finals noong 2016, pero natalo sa sumunod na apat at isinuko ang series at kampeonato 4-3 kay LeBron James at sa Cleveland Cavaliers.

Nasa Warriors pa noon si Bogut, pero hindi nakalaro sa Games 6 at 7 dahil nagka-injury sa tuhod sa Game 5.

Sa kanyang column para sa Yahoo Sport Australia, sumagot si Bogut.

“Joel Embiid saying the 76ers don’t want to do what we did in the 2016 Finals is just Joel being Joel – he’s a bit of a larrikin,” aniya.
Larrikin?

Ayon sa Oxford Modern Australian Dictionary, ang larrikin ay “mischievous young person, uncultivated, rowdy but good hearted person.”

Sa salitang kanto, makulit, mayabang pero mabait. Sinasabi ni Bogut, nagloloko lang si Embiid. (VE)