Inari ni Kawhi Leonard­ ang pinakahuling tagisan nila ni Joel Embiid.

Nagsumite si Leonard­ ng 39 points at 14 rebounds para aka­yin ang Toronto Raptors sa 101-96 panalo kontra Philadelphia 76ers Linggo ng gabi.

Babalik ng Toronto ang Eastern Conference semis na magkabuhol sa 2-2, basagan ulit ang dalawa sa Game 5 sa Miyerkoles (araw sa Manila).

Pinakawalan ni Leonard ang pamatay na 3-pointer sa dulo ng laro, tira na ikinumpara ni 76ers coach Brett Brown kay Kobe Bryant.

Tinawag ni Brown na “backbreaker” ang late 3 ni Leonard, binitawan habang paubos ang shot clock at nasa harap pa niya si Embiid.

“I came off a pick-and-roll. They were switching,” paliwanag ni Leonard. “Embiid is a good defender, long, and I just wanted to get it to the back of the rim.”

Nag-start din si Embiid kahit may iniinda, umaga ay nag-text kay Brown na baka hindi makalaro. Kinagabihan ay nagpakita rin siya.

Sa second quarter, kumaripas pakabila si Raptors center/forward Serge Ibaka para butatain si Tobias Harris sa 3-on-1 fastbreak ng Sixers. Kaya lang, sablay ang sumunod na tira ng Toronto na sinagot ni Embiid ng dumadagundong na dakdak.

Bago natapos ang quarter, sinupalpal ni Embiid si Ibaka bago pinasahan si Ben Simmons para sa dunk. Makalipas ang 35 seconds, blinangka muli ni Embiid si Ibaka. (VE)