Pinag-usapan kamakailan sa Senado ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para malutas ang problema ng trapiko.

Mistulang napahiya nga si Department of Transportation Secretary Art Tugade kay Senadora Grace Poe dahil wala siyang maipa­kita na plano kung papaano nila gagamitin ang emergency power­s para paluwagin ang ating mga kalsada.

Hindi naman daw tutol ang mga senador sa panukala. Ang gusto lang nila ay masiguro na hindi maaabuso ang emergency powers.

Para sa akin, hindi na kailangan ng emergency powers para maayos ang trapiko.

Political will lamang ang kulang. Matagal nang alam ng mga opis­yales natin kung ano ang mga dapat gawin. Kung anu-ano nang pag-aaral ang ginawa — meron pa ngang gawa ng Japanese experts — pero wala pa ring pagbabago.

Ang kailangan ay gawin na ang mga solusyong ito, kahit pa magastos, kahit pa mahirap.

Dahil pag wala tayong ginawa. ang problema ay lalong lulubha.

****

Binabati ko ng maligayang ika-16 kaarawan ang anak kong si Do­minic Ocampo ngayong Set­yembre 4. Bukas naman ay magdiriwang ng ika-80 kaarawan ang biyenan kong si Carolina Cada­hing. Happy birthday!

****

Email junep.ocampo@gmail.com.