Empleyadong probinsyano mangupahan muna — DTI

Hinimok ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang mga manggagawang naninirahan sa probinsya na maghanap muna ng matutuluyan sa Metro Manila habang epektibo pa ang domestic travel ban.

“Isa ring nakikita naming co­ping mechanism dito, I’m sure ang ibang kOmpanya will just encourage their employees to find a place muna dito sa Metro Manila. Umupa muna sila para less ang movement ng tao. Sa ganong paraan malilimitahan ang pasok at labas ng mga tao dito sa Metro Manila,” pahayag ni Lopez sa media briefing sa Malacañang nitong Biyernes.

Gayunman, nilinaw ni Lopez na pinapayagan namang makapasok sa Metro Manila ang mga empleyadong nakatira sa labas ng National Capital Region kahit isinailalim ito sa community quarantine.

“In-assure po natin yung mga nakatira outside Metro Manila at every day nagKo-commute sila, so magpakita lang ng ID. ‘Yong mga kompanya, we would require them to issue IDs to their employees, lalo na those living outside Metro Manila to show proof of employment,” sabi pa ni Lopez. (Prince Golez)