Arestado na ang isa sa dalawang panguna­hing suspek sa pagpatay sa 29-anyos na Pinay overseas worker na si Joanna Demafelis na iniligay sa isang freezer sa Kuwait.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakadakip sa Lebanese na si Nader Essam Assaf na amo ni Demafelis sa Kuwait.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, personal na niyang ipinaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakadakip sa suspek ng mga Lebanese authorities.

“The President welcomes the news that Nader Essam Assaf is now in the hands of authorities in Lebanon,” ani Cayetano.

Ang pagkakahuli kay Assaf ay isang magandang development para makamit na ni Joanna ang katarungan.

“Assaf’s arrest is a critical first step in our quest for justice for Joanna and we are thankful to our friends in Kuwait and Lebanon for their assistance,” pahayag pa ni Cayetano.

Wala pang impormasyon kaugnay ng asawa ni Assaf na isang Syrian na sinasabing siyang nagmalupit sa biktimang Pinay.