EXCITED na ang fans ng “loveteam” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa unang series nila sa ABS-CBN.

Maganda ang naisipan ng Dos na after ng success ng Kita Kita ay gawan ng regular series sina Alessandra at Empoy at kasama pa si Piolo Pascual (na isa sa producers ng blockbuster movie nila).

Marami ang masaya sa kasikatan ngayon nina Alessandra at Empoy dahil sa success ng Kita Kita.

Pareho pa rin daw na down-to-earth ang da­lawa.

Si Alessandra naman, kahit ano pa ang mga suwerteng dumating sa career niya, nananatiling mabait sa amin.

Si Empoy, kahit noong nasa TV5 na siya at maganda na ang kita, napaka-humble pa rin.

Lalo pa raw naging humble si Empoy.