Empress lalaban sa paseksihan

tonite-imo-vinia-vivar

Sa trailer pa lang ay na-shock na kami sa role ni Empress sa bagong serye ng GMA-7 na “Hiram na Anak” dahil mabait pero may pagkabayolente ang kanyang karakter na si Wena.

Makikita sa trai­ler na tinaga niya at sinaksak ang karakter naman ni Paolo Contis na nanloko sa kanya sa pag-ibig.

But in fairness, napakaganda at napaka-challenging ng role ni Empress at nagpapasalamat siya sa GMA-7 na binigyan siya ng ganitong karakter.

“Mas gusto ko po ‘yun kasi something new. Mas gusto ko na ngayon gumawa ng mga hindi ko pa nagagawa dati, so kahit ano’ng i-offer nila sa akin na bago para sa akin, gusto ko pong tanggapin.

“Para sa akin, there’s nothing negative about it. Inte­resting pa nga siya kasi bago, saka parang ngayon lang nila nakita na ginawa ko ‘yun, so go naman po ako du’n, walang problema sa akin,” sey ni Empress nang makatsikahan namin sa presscon ng “Hiram na Anak.”

Ang “Hiram na Anak” ang comeback drama series ng aktres sa Kapuso network pagkatapos ng “Kailan Ba Tama ang Mali” in 2015. Ito ‘yung time kasi na nabuntis na siya sa kanyang first baby na si Athalia kaya pansa­mantala muna siyang nag-leave from showbiz.

Nang bumalik siya sa trabaho, it was her wish na sana ay bigyan siya ulit ng regular drama series ng GMA-7 na finally ay natupad na. Timing pa naman na birthday ng aktres noong Feb. 19 kaya napakagandang birthday gift nito for her.

Huling napanood si Em sa “Asintado” ng ABS-CBN last year at marami nga raw ang nagtataka kung bakit paiba-iba siya ng network. Ito ay dahil nga wala siyang exclusive contract sa Dos or Kapuso at matagal na siyang freelancer.

“I think, mas okay na rin ‘yung ganito, kasi ‘yung iba, natetengga na hindi sila makapag-work (sa iba),” sey niya.

Bukod sa pagtanggap ng mga challenging roles, open na rin si Empress sa mga sexy roles or sexy pictorials.

“Mas kaya ko na ngayon kaysa dati. Basta ready ‘yung katawan ko, go lang. Mas open minded na ako sa mga mga io-offer sa akin. Kasi, dati ang mga offers sa akin, sobrang conservative.

“May limitation, siyempre. Siyempre, walang nudity. Pero kung ‘yung mga for art, suggestive lang, gusto ko siyang i-try. Kasi dati, it’s a no-no for me talaga. Pero ngayon, since I want to offer something new to the viewers, parang gusto ko ring i-challenge ang sarili ko na kung hindi ko ‘to ginawa dati, try kong gawin ngayon, baka naman kaya ko na,” saad ng aktres.

Magsisimula na sa Feb. 25 ang “Hiram na Anak” na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Dion Ignacio mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.