
Muntik na palang layasan ni Empress Schuck ang showbiz dahil nakaramdam siya ng burnout at dumating sa puntong hindi na siya masaya sa pag-aartista.
Ayon sa 25-anyos na aktres, 7 years old pa lang kasi siya ay nag-aartista na siya. There was a time na nawala ‘yung happiness niya at hinahanap niya ‘yung kaligayahan para sa sarili niya.
Dati raw kasi ay sinusunod lang niya lahat ng sinasabi ng mga nakakatanda sa kanya, wala siyang sariling boses. At kahit ayaw na niya ay ginagawa pa rin niya dahil breadwinner siya.
As in umabot sa point na nagpaalam na siya sa manager niyang si Becky Aguila na gusto na niyang mag-quit sa showbiz.
Pero sinabihan siya ni Tita Becky na subukang mag-audition para sa pelikulang “Goyo”.
Nag-try naman si Empress at nang makuha siya sa “Goyo” bilang ex-girlfriend ng bidang si Paulo Avelino, nagkaroon na raw siya ng iba pang trabaho.
Ang huling teleserye niya ay “Asintado” sa ABS-CBN. Freelancer si Empress, so puwede siya kahit saang network.
Next year ay may movie siya with Lito Lapid at sa December 5 ay isa siya sa mga bida sa Viva movie na “Kahit Ayaw Mo Na” with Andrea Brillantes and Kristel Fulgar, na kinunan sa Samar.
Katambal dito ni Empress si Daniel Matsunaga as her boyfriend pero wala silang kissing scenes. Biro niya, sayang at wala.
Passion ni Empress ang acting at aminado siyang wala siyang ibang naiisip gawin kundi ang umarte.
Pero gusto rin niyang mag-venture sa business dahil hindi laging may trabaho ang mga artista.
Ngayon ay meron siyang itinayo na tinawag niyang SMIT (Social Media Influencer Tool) kung saan 12 na mga kilalang YouTuber at influencer ang inipon niya para mag-concert sa Visayas at Mindanao.
Siya ang magpo-produce ng concert ng mga ito under her Sultana Productions. Marami raw kasing fans ang mga ito roon. Sa February ang pa-event niya na ‘yon sa Cebu at Davao.
Aktres 3-taon na ang anak pero ayaw pakasal
Nang magkaroon ng baby si Empress ay doon niya raw naramdaman ‘yung happiness na hinahanap niya.
Maligaya siya sa piling ng daughter niyang si Athalia at ama nito na si Vino Guingona.
3 years old na si Athalia at sobrang daldal na raw nito. Panay ang perform ng bagets at gustong laging naka-dress habang kanta nang kanta.
Mukhang pang-showbiz ang anak ni Empress kaya ang sabi niya sa amin, ang gusto niya ay maging Sarah Geronimo ito.
Wala pang balak pakasal sina Empress at Vino na pamangkin ni Senator Teofisto Guingona III.
Ani Empress, mas okey sa kanya na gano’n dahil ayaw niyang magmadali, na porke nagkaanak sila ay kailangan nang magpakasal. Hindi raw minamadali ‘yon at kailangan ay pinaplano.
Aminado si Empress na hindi planado si Athalia. If ever masusundan ito, dapat daw ay kasal na sila ni Vino.
“Make it right next time,” ang dayalog sa amin ng aktres na ang ganda ng aura ngayon at mukhang happy.
Daniel nagmumura ang karisma
Si Daniel Padilla ang guest ni Regine Velasquez sa ikatlo at huling gabi ng kanyang concert series sa New Frontier Theater.
Ang ganda nu’ng segue na after kantahin ni Regine ang “Kailangan Ko’y Ikaw” mula sa hit movie nila ni Robin Padilla, ang sumunod niyang naka-duet ay isa pang Padilla, na pamangkin naman ni Robin.
“Nothing’s Gonna Stop Us Now” mula sa KathNiel movie na “Crazy Beautiful You” ang inawit nina Regine at Daniel.
Grabe si DJ, swabeng-swabe ang datingan pero nagmumura ang charisma at screen presence.
Bilib si Songbird sa ganda ng boses ng binata. After their song number, ang sabi ni Reg kay DJ, “You know sweetheart, you have such a beautiful voice, In my opinion, gaganda pa ‘yan.”
Napapangiting sagot ni Daniel, “Opinyon mo lang ang kailangan ko, Ma’am Regine. Wala na akong pakialam pa sa opinyon ng iba!” tapos ay nagtawanan silang dalawa at nag-high five.
Ang cute! Robin na Robin si Daniel. At mukhang may chemistry rin sila ni Songbird, ha?
Keri kaya ang Regine-Daniel sa pelikula? O mas Daniel-Sarah Geronino muna dapat? Haha!