NAKAMIT ng Encantadia ang Best Visual Effects (Long Form Category) award sa 2017 Apollo Awards kamakailan sa Singapore,
Ito ang unang international award ng nasabing Kapuso telefantasya.
Ang tumanggap ng award ay sina GMA Senior Program Manager Helen Rose Sese at GMA Post Production Video Graphics Manager Catherine Frayco.
Ang Apollo Awards ay inilunsad noong 2005. Kinikilala nito ang best in production and post-production across the Asia Pacific region.
What is Apollo Awards?