Enchong nanita sa maagang nangangampanya

Binatikos ng aktor na si Enchong Dee ang isang politikong napaaga ang kampanya. Dis­yembre pa lang ay nakapaskil na ang mga mukha.

Aniya sa Twitter, “Isn’t it against the law to campaign this early? I’m seeing campaign tarps of an imprisoned senator here in Quezon Province.”

Sumang-ayon naman ang ibang netizen na nakakita mismo ng tarpaulin.

Aniya, “ay totoo ka, taga quezon ako at nalag­lag panga ko nung makita ko mga tarp niya. susmiyo!”

Pinuri naman ng mga netizen ang ­aktor dahil sa lakas ng loob nito.

“Buti pa si Enchong malakas ang loob pumuna. Di tulad ng iba plastic.”