Enchong nawalan ng gold ring sa Turkey

Mukhang nagiging makakalimutin ang Kapamilya actor na si Enchong Dee kung ang pagbabasehan ay ang tweet niya noong nakaraang araw (June 14) habang nasa abroad siya.

Ibinahagi ni Enchong ang panghihinayang niya sa nawalang gold ring. Naka-post sa Instagram ng aktor ang pagliliwaliw niya sa Istanbul, Turkey.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakaiwan ng kanyang personal na gamit ang aktor. Kamakailan ay naiwala rin niya ang kanyang cellphone sa Paris.

Tweet ni @enchongdee777, “Never missed a chance of losing something valuable. Paris trip Phone..this time GOLD ring. Early signs of Alzheimers.”

Hindi na idinetalye pa ni Enchong kung magkano ang alahas na nawala at kung ano ang significant nito sa kanyang buhay.

Pinayuhan si Enchong ng mga nagmamalasakit niyang followers.

@Vlreyes1288, “Ingat sa pag-inom-inom ng pain relievers, isa yun sa maa­ring maging dahilan ng alzheimers disease sa pagtanda.”

@websynne, “that’s ok…as long as your soul is fully fed from your travel adventures. That’s all that matters…you get to replace the material things but once ina lifetime experiences that you have may be few and far in between.”

@tesa_delacrus06, “Drink ________ with memory enhancers. I hope it can help you take good care of yourself always.”

@jbaluyotjr, “OMG drink memo plus baby.”

Samantala kung nawalan man siya ng gold ring na-experience naman niya ang kabutihan ng ibang mga lahi sa abroad.

Humanga si Enchong sa isang Libyan. Hindi ito nagkait na samahan sila sa lugar kahit hinang-hina na ito sa gutom.

@mr_enchongdee, “My brother and I asked someone for directions going to the Blue Mosque, what this Libyan guy did was personally take us to where it was, we can’t hardly understand him at the same time he was weak because it’s Ramadan and they can only eat at a certain time, he was also not feeling well but still he did.

“He disappeared quickly after getting to the place, didn’t get his name. It was a simple act of kindness but definitely impactful…sharing this because it’s what this world needs right now. Story of #kindness in my #EnchongAwesomeTravel.”
***

Iza ikinuwento ang inang bipolar

Sumawsaw sa isyu ng mental illness si Iza Calzado matapos magsunod-sunod ang suicide case ng mga kilalang personalidad sa abroad.

Nauna na ngang naba­lita ang pagpapakamatay ng fashion designer na si Kate Spade. Sinundan ito ng balitang nag-suicide ang sikat na food travel host na si Anthony Bourdain.

Nataong nagsi-celebrate ng Independence Day ang bansa noong Martes kaya isinabay na rin ni Iza ang pag-alala sa kanyang yumaong ina na ipinanganak nu’ng June 12.

Sa kanyang Instagram, inilahad ni Iza ang pagkakaroon ng mental illness ng kanyang ina.

@missizacalzado, “Happy Independence Day, Pilipinas! On this day, many years ago, my beautiful mother was born. Beneath the beauty was a woman who dealt with manic depression and was, later on, diagnosed as bipolar. I wish I understood her better but I was too young and uninformed. There are so many discussions that need to happen around mental health and I hope to use your story to help others in creating awareness and breaking the stigma around this issue. Happy birthday Mama! You will always be special in my eyes and the true star in the family!”