Enchong pumiyok sa video scandal

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi nakaligtas ang Beautederm ambassador na si Enchong Dee sa tsikang may kumakalat siyang video scandal.

Sey ng actor sa kanyang Youtube channel matanda na siya para gawin ang ganyang iskandalo.

“It’s not my thing,” lahad pa niya.

Hindi rin daw kamukha ni Enchong ang nasa viral video. Ang layo raw ng hitsura niya sa kinakabit na scandal sa kanya. Pero hinahayaan na lang niya kung ‘yun ang pantasya sa kanya.

Samantala, proud sa kanya ang CEO at President ng Beautederm na si Rhea Anicoche Tan sa pagiging malalim niya.

Makikita ang video ni Enchong sa FB ni Ms.Rei na nagsasabing magdamayan ngayong meron tayong health crisis.

“BEAUTéDERM celebrity ambassadors join the entire world in uplifting everyone’s spirit especially that of our frontliners in this journey towards healing as one. Any act, big or small, can CONTRIBEAUT in this fight.Here’s Enchong Dee in his message of love and hope. #CONTRIBEAUT #YEStoLove #YEStoLife #MakeABeautëfulWorld #WeHealAsOne #LOVEfromBEAUTéDERM.”

Naniniwala si Enchong na kailangan natin ang isa’t isa at magtulungan sa pinagdadaanang pagsubok.Maalalampansan daw natin ito sa awa ng Diyos.