Enchong sumawsaw sa ‘Lupang Hinirang’

tonite-this-is-it-roldan-castroMarami ang pu­mabor sa matapang na political views ni Enchong Dee na mababasa sa kanyang Twitter account. May sense daw ang pagsawsaw niya.

Mababasa sa kanyang Twitter account na #enchongdee777: “When our entertainers lead the nation and the leaders of our nation entertain… we are doomed.”

Ang naturang tweet ay ginawa niya pagkatapos umano magbigay ng opinyon si Vice Ganda sa panukala ng Senate President Vicente “Tito” Sotto III na palitan ang last line ng Lupang Hinirang.

Isa pang tweet ni Enchong. “Da­ming oras mag diskusyon sa pwesto di nalang atupagin yung lipunan… daming naghihirap oh. #Ako­LangTo.”

Paglaya ni Bong naudlot

Kaarawan na bukas ni Senator Bong Revilla pero hindi pa rin natupad ang wish ng pamilya na pansa­mantalang makalaya gaya nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jinggoy Estrada.

Patuloy pa rin na nagdarasal ang pamiLya ng Titanic Action Star na naway makalabas na ito sa kanyang detention room sa Camp Crame.

Hindi pa alam ng nakararami kung paano nga ba isinagawa ang inaangal ni Jinggoy na ‘selective justice?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang uri ng pagwaldas nila sa pork barrel na tinawag sa panahon ni PNoy na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Hanggang ngayon ay tikom ang bibig ni Janet Lim-Napoles sa P10B. nilang lahat sa PDAF.

May mga tiwaling opisyal na hindi pa rin umano nakakasuhan dahil sina Bong, Jinggoy at Enrile ang napuruhan.

Tanong tuloy ng San Beda College of Law Graduate School na si dean Fr. Ranhilio Aquino, “bakit hindi ito inusig ni De Lima noon?”Bakit inuusig n’yo pa rin si Sen. Bong hanggang ngayon?

Ang dasal ni Sen. Bong ay bigyan naman siya ng pagkakataong makalabas at hindi naman siya tatakas sa kaso.

Wish pa naman ng mga anak niya ay makasama nila ito na mapanood sa sinehan ang pelikulang ‘Tres’ na tinatampukan nina Jolo, Bryan at Luigi Revilla. Sho­wing na ito sa October 3.

***

Palaban at nakakabighani ang alindog ni Eireena Patricia A. Estudillo, 20 years old, may sukat na 34”-26.5”-33”. Nag-aaral siya sa Jose Rizal University para sa kursong Computer Enginee­ring. Produkto siya ng Binibining Pateros.

Sino ang showbiz crush niya?

“I don’t have a celebrity crush. Although i do admire the positive image most of them portray to the younger­ generation,” sambit niya.