NI: ARCHIE LIAO
Pumalag si Enchong Dee kaugnay ng direktiba ng gobyerno na puwede nang mag-operate ang Philippine offshore gaming operations o POGO sa bansa . Ito’y kahit hindi pa nali-lift ang community quarantine.
Ayon kasi sa administrasyon, bagamat nakasentro sa gaming activities ang POGO ay hindi maituturing na leisure activity dahil nasa kategorya ito ng business process outsourcing industry.
Hirit ni Enchong: “Anong pagkakaiba ng mga
POGO sa ibang profession para ma-lift ang ECQ soon? Is it Revenues? Is it their connections? Is it their ability to bribe? Is POGO industry exempted from contracting COVID19? Seriously….gusto ko malinawan.”
Nakakuha naman ng kakampi sa maramin netizens ang aktor na very vocal sa pagpapahayag ng kanyang political views sa kasalukuyang administrasyon.