Hindi lahat ay sang-ayon sa proposal ni ­President Duterte na mag-establish ng Department of OFWs. Sa mga against sa creation ng Department, panibagong bureaucracy na naman daw ito.

May ibang kritiko rin ang nagsabing salungat ito sa kagustuhan ng pa­ngulo na magtrabaho na lang sa sariling bansa ang mga Pilipino instead sa abroad. In other words, the department promotes labor export.

Technically, may ­labor export policy pa rin ang gobyerno dahil patuloy pa rin ang POEA sa pag-deploy ng OFWs sa abroad. Pero nire-rectify na ni President Duterte ang labor export policy na ito.

In fact, ­kumikilos na siya na palaguin ang ekonomiya para dumami ang job opportunities sa bansa. Kumuha si Duterte ng mga investors sa China, Japan at Middle East ­para mamuhunan ng business sa Pilipinas. More businesses mean more job opportunities and more alternatives to overseas jobs.

Lately, ni-launch sa Davao City ni Duterte at Indonesian ­President Joko Widodo ang ­shipping ­service ­between ­Mindanao and Indonesia. Isa itong way to switch from labor export. Lalaki at darami ang ­local businesses sa South ‘pag mag-expand ang ­cargo shipping doon. At ­dahil cost-effective ang ruta when it comes to transporting goods, most ­likely may ibang shipping ­companies ang mae-engganyong mag-operate rin sa ruta.

Sa panimula, isang barko ang tumatakbo sa ruta. ‘Pag madagdagan ng shipping lines sa ruta, it means magkakaroon ng hiring ng seaman. So magkakaroon din ng option ang ating mga marino na doon na lang magtrabaho instead of sa international merchant ships.

The advantage is lagi ­silang may biyaheng pa-Pilipinas (Mindanao), so laging makakauwi, compared sa karaniwang contract ng seaman na straight six o eight months at sea.

Makikinabang din ang mga merchant ­marine students dahil madaragdagan ang OJT opportunities para sa kanila ‘pag marami nang barko sa Mindanao-Indonesia shipping network.

***

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.