Endorser nilaglag sa pagiging matapobre

Nilaglag daw ng isang kompanya ang kanilang endorser matapos nitong kutyain ang mga taong mahihirap.

Eh paano ba naman kasi, halos pagmumurahin nito ang mga taong nagsisiksikan sa mga pampasaherong bus at jeep para lang makauwi matapos ipatupad ang lockdown bunsod ng banta ng coronavirus outbreak.

Mayaman kasi itong endorser kaya hindi niya alam ang kalbaryo ng mga naipit sa lockdown.

Agad siyang niresbakan ng mga netizen kaya napilitan ang endorser na burahin ang kanyang pinost sa social media. Pero hindi siya nakaligtas sa kompanya matapos na sibakin siyang endorser ng kanilang produkto.

Hindi daw kasi bagay sa kanilang produkto ang matapobreng endorser. Clue. Ang endorser na sinibak sa pagiging matapobre ay may letrang A sa kanyang pangalan.