Enguio, Muntinlupa umiskor kontra SOCCSKSARGEN

Binalikat ni Biboy Enguio ang starters ni Muntinlupa City Cagers coach Richard Melencio sa paghawla ng 12 points, 11 rebounds, 3 steals at 2 assists nang maeskapuhan ang SOCCSKSARGEN Marlins, 58-55, Biyernes sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa Caloocan City Sports Center.

Dalawang free throw ni Enguio ang nagkaloob sa Cagers ng biggest 17-point lead sa game, 4:47 sa third quarter, bago pinagpag ang late endgame rally ng Marlins upang mabutas na rin ang unang panalo tapos ng apat na tilapon.

Tampok sa pagba­ngon din ng Munti ang 14 markers ni John Kervin Ortuoste para bulilya­suhin ang debut game ng SOCCSKSARGEN sa may 31 koponang liga. (LO)