Ennis pasikat, Sixers umangat

Pasikat si James ­Ennis III na biglang bagsak bago nagtatlong pushups tapos magbaon ng 3-pointer, umiskor si Tobias Harris ng 26 at kinubabawan ng Philadelphia 76ers ang Utah Jazz 103-94 Lunes nang gabi.

May 17 pa si Al Horford sa Sixers, pero pinakinabangan nila ang 18-puntos na abanteng naipundar sa break para salagin ang late rally ng Jazz sa 74th NBA 2019-2020 regular season.

Binuhay ni super sub Ennis ang crowd sa first half nang ma-foul sa 3 at mabilisang nag-pushups para ilayo ang Philly sa 28.

Nagpasok ng limang bskets si ­Horford sa first quarter tungo sa 12 points, pero ang highlight ng kanyang ­performance sa ­period ay ang ­kakaibang block. ­Nakahagip ng turnover si Bojan ­Bogdanovic at rumagasa na sa kabila, ­lumipad at isusubo na lang sa rim ang bola nang humarurot mula sa kanan si Horford at pinilipit ang katawan para sa rejection.

Tinapos ni Matisse Thybulle ang steal sa alley-oop dunk kay Ben Simmons, sinundan agad ni Harris ng 3 tungo sa 52-27 lead, Sixers.

Sa mga pasiklab na ‘yun, nasapawan ang anemic na performance ni Joel Embiid na naka-16 points pero 5 of 13 lang mula sa field para sa 76ers.
Nanguna ang 27 points ni Rudy Gobert sa Jazz. (VE)