Sanay na umano si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa pamimintas ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso at katunayan matagal na aniya itong ginagawa.
“Meron nga akong mga video nya (Enrile) na binubully kami. Bigyan ko kayo ng kopya. Ito lang taon na ito ‘yun. Okay lang ‘yun. Hayaan mo na sya. Bahala na mga tao,” sabi ni Sotto.
Naniniwala rin si Sotto na ginagawa ito ni Enrile para sa kanyang kampanya sa 2019 midterm election.
“Obvious na pangkampanya. Maganda na statement para sa kandidato. Ganun na talaga ang mga kandidato, pangkampanya. Alam ko namang hindi tama ba’t ko naman papatulan,” diin ni Sotto.
Samantala, kinumpirma rin ni Sotto na hindi kabilang si Enrile sa pinag-uusapan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na kanilang susuportahan sa eleksyon. (Dang Samson-Garcia)