Enrile, Napoles pinatawag ng Sandiganbayan sa pork barrel

Ipinahaharap nga­yong araw sa Sandiganba­yan sina dating Sen. Juan Ponce Enrile at mga kapwa akusado nito kaugnay ng kinahaharap na graft case sa pork barrel scam.

Bukod kay Enrile haharap din sa Sandiganbayan Third Division ang dati nitong chief of staff na si Gigi Reyes at ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Si Reyes ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, habang si Napoles ay nasa Correctional Institution for Women.

Itinakda ngayong araw ng Sandiganba­yan ang signing ng pre-trial order, si Enrile ay pipirma sa graft at plunder case pre-trial order habang sina Reyes at Napoles ay sa mga graft case na lang dahil nagawa na ng dalawa ang proseso sa kanilang mga plunder case bilang co-accused.

“Bring the accused tomorrow for the signing of the pre-trial order at 10:00 in the morning,” nakasaad sa kautusan ni Associate Justice Ronald Moreno.
Sa oras na mapirma­han na ang pretrial order ay magsisimula na ang pag­lilitis sa kaso.