Bago isabak ang all new female group na Belladonnas ay sumabak muna sila sa training. From dancing, singing, acting at persona­lity development. Siniguro ng kanilang ma­nager na si Len Carillo ng 3:16 Events and Talent Management Company na handang-handa na sila iharap sa showbiz. Kinabibilangan nina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie, and Christine ang grupong Belladonnas na mula sa Italian word na ang ibig sabihin ay beautiful ladies. They were launched last April this year.

Sa guesting nila sa programang Showbiz Pamore, online show ng Abante Tonite ay kinuwento nila kung paano nabuo ang kanilang grupo. Halos lahat pala sila ay galing sa Circle Of 10 pageant at ang iba naman ay nag-audition.

Dahil sa ganda may mga nag-alok na rin daw na sumali sila sa mga beauty pageant tulad ni Quinn.

“Sa school po dati sumali ako and I won. May nag-alok na mag-join ako ng Mutya ng Antipolo before pero conflict na rin sa schedule.

Samantalang si Xie ay naging 1st runner up sa sinalihang pageant sa Batangas.

Sa tanong kung gusto rin nilang pasukin ang pag-aartista, mabilis nilang sagot ay oo. Ilan nga sa kanila ay kasama at si Quinn ay bida pa sa upcoming indie movie na ‘Kodep’.

Kuwento naman ni Phoebe, “May theater group po ako dati and 7 Stage. Nag-play kami ng Noli Me Tangere at ako po si Maria Clara.”

Nang tanungin kung sino ang gusto nilang makatrabahong artista:

Rie: Joshua Garcia pati na rin si Julia Barretto po.

Jazzy: Enrique Gil po.

Phoebe: Bale crush ko na po talaga siya, si James Reid po.

Christine: LizQuen po.

Xie: John Lloyd Cruz and Piolo Pascual.

Quinn: Angel Locsin and Jericho Rosales.

Chloe: Piolo Pascual po.

May nilulutong malaking concert para sa Belladonnas at Clique V early next year.

Panoorin ang kabuuang interview ng Belladonnas sa Showbiz Pamore Tonite sa Abante Tonite Facebook Page, Abante News Online Facebook Page, Abante Tonite Youtube channel at sa website na tnt.abante.com.ph.