Limang taon na pala ang relasyon nina Enrique Gil at Lisa Soberano at ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng isang romantic dinner date na ipinost nila sa kani-kanilang social media account kasama ang anniversary message sa isa’t isa.
“This is to us. I love you always and forever,” ang mensahe ni Lisa kay Quen.
Post naman ng aktor, “My always and forever. Happy anniversary. Thank you for always making me smile baby i love you so much.”
Kinilig ang mga LizQuen fan sa mga nasabing anniversary message ng dalawa. And of course, happy rin ang mga friends nila na makita silang masaya and so in-love with each other.
Hinihintay na rin ng mga fan nila ang upcoming teleserye nila na kasalukuyan na rin nilang pinaghahandaan.
Kim-Xian pasabog ang kilig
Hindi naman nagpahuli ang isa pang showbiz couple na sina Kim Chiu at Xian Lim dahil kinabukasan ay sila naman ang may kilig na pasabog.
Ipinost ni Kim ang bouquet of roses na ibinigay sa kanya ni Xian at may larawan pang hinahalikan siya nito sa noo.
Kuwento ni Kim sa kanyang caption, naka-moisturizer na raw siya at naka-night cream pa nang biglang dumating si Xian.
“One of those rare nights when you decided to put on a super heavy moisturizer plus full on night cream, serum and many more on my face then suddenly this guy pops up on my door step with a huge with no occasion. #thankyouxi,” ang buong caption ni Kim.
Isa rin ang KimXi sa mga showbiz couples na medyo matagal na rin ang relasyon though last year lang nila talaga ito kinumpirma sa publiko.
Isa rin sila sa mga magkarelasyon na consistent sa pagiging sweet especially Xian who always makes time and effort para sa GF.
Shaina tinawanan ang tegi isyu
Tinawanan na lang ni Shaina Magdayao ang fake news na nategi (dead) na siya. Kumalat sa social media ang balita last Saturday na kesyo dead on arrival daw ang aktres at hindi na umabot sa ospital.
Bilang sagot ay nag-post si Shaina sa kanyang Instagram informing everyone na buhay na buhay pa siya.
“Im baaaccckkk! Or should I say, I’m A L I I I I VE and oh so ready for SCORP SEASON and my 30th!!!
“How refreshing to be off socmed for a while. Missed you too, IG world! Taken a few days ago for something thats coming out SOON!” ang caption ni Shaina sa larawan niyang ipinost.
Bago ito, last September pa ang huling post ni Shaina na isang quote card na nagsasaad ng “the best parts of my life don’t make it to social media.”
Kahapon ay may bagong post si Shaina na nakatakda raw siyang umalis ng bansa for another international film festival para sa pelikula niyang “The Halt” ni Lav Diaz. Reading between the lines, halata na masayang-masaya ang aktres.
“SCORP SEASON is heeeerrreeee!!! I was going to stay put in MNL on my birthday for a change, but as always, HE has a better-best plan for me!
“And so I am leaving in a few days to represent our Lav Diaz film THE HALT + experience another Film Festival in my ‘disneyworld EU’!!!
“First time to attend this Film Festival in a city that is very close to my heart (where I did my first everrr ‘soul searching’ trip 8 years ago-more kwento on another post some other time) + shoot for a few days for our unfinished 2nd Lav film that we started working on two years ago.
“Aaaannnddd tick off a travel bucketlist entry! Here I am, in awe of all the blessings! Not part of my plan, on autopilot this 2019 But I wholeheartedly receive. I serve a generous God, indeed!” ang mahabang caption ni Shaina.