Iniintriga ang pagbabakasyon nina Enrique Gil at Liza Soberano sa US ngayong darating na Kapaskuhan.
Mamamanhikan na raw ba si Enrique sa pamilya ni Liza since kasama umano ang mommy niya? Sa family side kasi ni Liza sila pupunta.
Paglilinaw naman ng aktor na mamamasyal lang sila. Bibisitahin ang L.A. Tahoe. Mag-stay sila sa Reno, Nevada. Pupunta sa Disney at magre-relax din sa Hawaii.
Pagbalik nila sa ‘Pinas ay sisimulan na nila ang pelikula na kasama si Antoinette Jadaone.
Rocco nahirapang makipagdyug sa kotse
Usapan-usapan ang pakikipagyarian sa kotse ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa seryeng “Pamilya Roces”.
Hindi ba siya nahirapan sa pakikipag-dyug sa car?
“Kung nahirapan kami sa love scene namin sa kotse. Sa totoo lang… Yes,” sey niya sabay tawa.
“Well uhmm.. una, it’s well-rehearsed. Tinulungan kami ni Direk Joel (Lamangan) from one part of the car to… at kailangan naming pataasin ‘yung emosyon and kailangan ipakita ‘yung sabik naming dalawa sa isa’t isa for a time nagbreak kami ni Amber (Sophie Albert).
“So, mahirap kasi kumbaga sa choreography, masikip ang sasakyan (laughs) but we were able to uhmm… do it and perform it well with the help of each other.. Nagtulungan kami ni Sophie para ma-accomplish ‘yun. So naitaguyod namin,” dagdag pa niya na humahalakhak.