PARA matigil na si­guro ang tanong ng mga fans kung kasama rin ba si Enrique Gil sa Darna, sinagot na ng huli na wala siya sa Darna movie na pagbibidahan ng ka-loveteam niya na si Liza Soberano.

Pero hindi ibig sabihin na dahil hindi sila magkasama at magka-loveteam dito ay bubuwagin na ng ABS-CBN ang loveteam ng dalawa.

Nakakatawa ‘yung mga nababasa namin na end na raw ng loveteam ng LizQuen. Since napapanood nga nila si Quen sa movie na hindi rin kasama si Liza.

May mga nagsasabi naman na tama lang daw na hindi si Quen ang leading man ni Liza para makita naman daw this time if she can shine on her own.

Bentahe kay Enrique ang kasalukuyang movie niya na showing pa rin, ang Seven Sundays, kahit sabihin pang hindi niya solo starrer ito. Bukod sa box-office na ang movie, magaganda rin ang review sa Kapamilya actor.

At sa mga LizQuen fans na nag-aalala na baka hindi na sila pagsamahin, heard na sila ang mga bida sa fantaseryeng Bagani naman.