Enrique sabit sa pagkalaos ni Liza

Siyempre hindi ito tungkol kay Liza Lorena o kay Liza Minelli, alam niyo dapat iyan, huh! Sabi mataas ang ratings. Panalo raw sa advertising load. At nag-level up sa pag-arte si Liza Soberano, siyempre damay na rin diyan si Enrique Gil. With all the pluses na meron ang “Make It With You,” bakit tinigbak pa rin ang show?

Hindi na nga si Soberano ang bagong “Darna” dahil nga sa finger incident nito tapos sinibak pa ang serye.

Wala ba talagang lakas at kapangyarihan ang fandoms ng LizQuen kaya walang slot sa the Kapamilya Channel ang romantic drama?

What are you trying to tell us? Laos na ba agad-agad si Liza at siyempre pa, sabit sa pagkalaos si Enrique, ganun? Agad-agad?

Kahit pa nga may lumabas na kainamang paliwanag kung hindi na eere ang show, hindi mababago nito ang katotohanang ito ay ibinasura na at welcome na welcome sa tigbakan alley.

Pampalubag loob rin ba sa damdamin ng LizQuen fans na hindi lang naman ang show niya ang nagbabu? Dapat ba nilang ikatuwa na pati ang shows nina Iza Calzado at Jodi Sta.Maria kasama nilang luhaan na?

Mas dapat nga bang maging bitter sina La Calzado at Sta. Maria dahil in limbo ang lahat sa Mother Ignacia based network ? Ito ay dahil dinidinig pa kung bibigyan ng renewal sa franchise ang nasabing istasyon.

Kaya kung sakaling may mga nagbubunyi na agad-agad eh laos ni Liza Soberano, hindi na naman bago iyan sa showbiz. Hindi ba naman?