EO sa 8888 pirmado na

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No.6 na pormal na nagtatatag ng “8888” bilang citizens’ complaint hotline.

Ang nasabing EO No. 6 ay nilagdaan noong ­Oktubre 14, ngayong taon.

Nakapaloob dito na ang 8888 Citizens’ Complaint Center ay magsisilbing mekanismo para maipara­ting ang mga sumbong, hinaing at reklamo ng mga mamamayan sa sari-saring katiwalian o red tape sa anumang ahensya at sangay ng pamahalaan, government-owned and controlled corporation (GOCC), government ­financial institution (GCI), at iba pang mga kaugnay na tanggapan.

Ang pangunahing ahensya ng complaint center ay isasailalim sa direktang pangangasiwa ng Offic­e of the Cabinet Secretary (OCS) na kasalukuyang p­inamumunuan ni Leoncio Evasco Jr.
Maaaring gamitin sa pagsusumbong o pagpapadal­a ng mensahe ng nagrereklamo ay sa pamamagitan ng short message service (SMS)/text access, electronic mail (email), website, social media at iba pang communication medium.