Sa Bali, Indonesia nagbakasyon ang reel and real life sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Selebrasyon ito ng 27th birthday ng actor.

Marami ang kinilig sa kanilang photo together nang i-share nila ito sa social media.

Pero, merong isang netizen na hindi ma-take ang ka-sweet-an ng dalawa. Pinagsabihan nito ang aktres na mag-focus sa kanyang career at bumalik na sa kanyang trabaho.

Ito ang naging hirit niya sa aktres “@lizasoberano Vacation is over na. Hope you focus now on Darna. You badly need to go back to the gym and re-train for stunts, martial arts etc. Sana makita ko ulit ang drive mo sa career mo. Nawawala ka sa focus.”

Nag-react naman si Liza sa nasabing post kung saan naka-tag pati ang handler niya. Ito ang naging buwelta ni Liza sa nasabing basher: “Who are you to tell me when vacation is over? My managers allowed me and so did my bosses. I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off.” (Archie Liao)