Super good news oo sunod-sunod ang gulong pabalik ng presyo ng kalangisan pero super bad news din ang dulot ng LTFRB sa riding public.

Nasa ikatlong linggo na ang patuloy na pagdausdos ng presyo ng langis ngunit di pa rin nakaka-break P40. Ang bad news nito ay ang tahasang paninindigan ng LTFRB na ituloy ang ‘nai-award’ nang fare hike kahilingan ng mga tsuper-operator na naglagak sa P10 ang minimum fare sa mga jeepney.

Ang iba pang uri ng transport service ay nakisakay din sa panukalang ito na bunga ng kawing-kawing din na oil price hikes noong nakalipas na buwan.

Ang isang paliwanag ng LTFRB rito ay ‘temporary’ daw ang kalagayan ng presyo ng langis sa ngayon kung kaya’t mahirap sabayan ang pag-urong-sulong nga naman ng presyo ng gatong.

Ngunit kung ating susuriing maigi, kahit na ito’y medyo masakit sa bulsa ng ating mga kababayan, nararapat na din namang gawing P10 ang minimum fare.

Katunayan, may inabutan nga akong isang matandang babae ng P3 limos sa Divisoria aba’y laking gulat ko nang isabog nya ang mga ito sabay sabing, “Walang mabibili yan!” Ako pa ang napahiya. “Sorry naman,” sambit ko sa matanda. “Wala lang ibang barya talaga.”

Bakit ikinukuwento ko ito? May koneksyon ito sa hiling ng mga namamasada. Wala na nga namang halaga gaano na ang piso. Wala na nga namang mabibili. Tama si matanda. Naging aral ko ito.

Kaya ngayon kapag nagbibigay ako ng abuloy, aba’y tinitiyak ko ito na hindi bababa ng P5! Nakakahiya sa mga edukadong/propesyunal na mga namamalimos!

Isa pa wala namang magagawa ang taumbayan na siyang parating tinatamaang una sa kung anumang price increases meron ang merkado.

Hangga’t matitiis kakayanin yan ng Pinoy lalo’t alam natin na kapwa Pinoy din naman ang makikinabang. Konting halaga, konting dagdag kita, konting dagdag buhay. To God be the glory.