Iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga regional at tripartite wage board na pag-aralan ang epek­to ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa mga manggagawa.

Ang direktiba ay ginawa ni Bello kasunod ng mga petisyon kaugnay sa paghingi ng karagdagang suweldo matapos ang implementasyon ng tax reform law.

“With or without petition, I gave an instruction or order sa lahat ng mga regional wage, tri-partite wage board namin na pag-aralan yung epekto ng TRAIN at pag-aralan din ang economic situation sa bawat region. On the basis of which, they can already come up with their recommendation,” ayon kay Bello.

Inamin ni Bello na may dahilan para pag-usapan ang epek­to ng TRAIN law sa labor industry dahil na rin sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin at gasolina pero hindi nito ma­sabi kung kinakailangan nang taasan ang suweldo ng mga manggagawa.