Hindi na naisalba pa ang buhay ng isang 23-anyos inmate matapos sumpungin ng kanyang sakit na epilepsy kahapon nang mada­ling-araw sa loob ng selda ng Manila Police District (MPD)-Police Station 2 sa Moriones, Tondo, Maynila.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ryan Ta­nislay, taga-Libis, Baesa St., Caloocan City dakong alas-3:09 nang madaling-araw .

Sa imbestigasyon ni PCMS John Charles Duran, ng MPD-homicide section, nabatid na nag- seizure muna ang biktima sa selda bago nawalan ng malay.
Kaagad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima pero hindi na rin nai­salba pa ng mga doktor.

Sa record ng pulisya,ang biktima ay inaresto noong Set­yembre 18 sa kasong abduction in relation to RA 7610.

Nalaman sa mga kaanak niya na epileptic ang biktima at posibleng hindi umano nito kinaya ang mainit na kondisyon sa loob ng selda dahil sa sobrang dami ng mga bilanggo. (Juliet de Loza-Cudia)