MARAMI ang nagsasabi na carbon copy si Epy Quizon ng namayapa niyang ama na si Dolphy.
Hindi maiwasang sabihin na baka siya ang next King of Comedy.

Pero aminado si Epy na hindi niya kayang sundan o tapatan ang yapak ng kanyang ama.

“What I don’t have probably, ang hindi ko talaga matututunan is ‘yung karisma niya.

“Iba ang karisma niya sa tao. Iba ‘yung Dolphy, mahirap talagang tumbasan,” sey ni Epy, na bading ang character sa ­Kapuso series na Oh, My Mama!