ER Ejercito gaganap na Aguinaldo sa ‘Malvar’

Makikita sa larawan ang dating gobernador ng Laguna na si Gov. ER Ejercito (pangatlo sa kanan) na gaganap bilang Heneral Emilio Aguinaldo sa pelikulang “Malvar”. Ito ay tunay na kasaysayan ng buhay ng Pambansang Bayaning Heneral Miguel Malvar na pinu-produce ng kanyang apo na si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. under JMV Film Production. Isa siya sa nagtatag ng Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino 1896 (KAANAK 1896) at ng Citizen Crime Watch (CCW).

Ang “Malvar” ay pangungunahan ni Sen. Manny Pacquiao. All-star cast ito sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na pinagdiwang kamakailan ang ika-100 anibersaryo.

Ipakikita sa pelikula ang kalupitan ng mga Amerikano noong 1899-1902 sa digmaan. Ilang daang libong sibilyan ang napatay nila.

Ang pinuno ng puwersang Pilipino ay si Heneral Malvar bilang Supreme Commander na humalili kay Aguinaldo. (Roldan Castro)