Erap, Lim gitgitan

Nangunguna ang tandem na Estrada-Bagatsing sa isinagawang survey ng iPoll Inc., isang UP-based survey firm kung saan tinanong ang 1,200 res­pondent kung sino ang kanilang iboboto sa pagka-alkalde at bise alkalde ng Maynila sakaling ngayon gaganapin ang halalan.

Lumalabas sa survey noong Oktubre 19 at 20, 36% ang boboto kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, 29% naman kay Alfredo Lim at 31% kay Isko Moreno habang sa bise alkalde naman ay 45% ang napunta kay Amado Bagatsing, 43% naman kay Honey Lacuña at 12% lamang ang kay dating Gen. Elmer Jamias.

Ayon sa survey, tatlo ang dahilan kung bakit lamang si Erap at Amado. Una, nahati ang boto ng Tondo dahil si Lim at si Isko ang ­laking Tondo kaya nabiyak ang kanilang puwersa.

Pangalawang dahilan ay incumbent si Mayor Erap at ang kanyang programang ­libreng edukasyon, libreng ospital at pag-unlad ng kaban ng lungsod ay gusto ng mga Manilenyo.

At ang pangatlong dahilan ay ang District 4, 5 at 6 ay matagal nang balwarte ng pamilya Bagatsing. Kaya buo ang kanilang puwersa.

Ikinatuwa naman ni Don Bagatsing, taga­pagsalita ng mga Ba­gatsing, ang resulta ng survey at inaasan niyang maraming mga lider ang maglilipatan kay Erap at Amado sa susunod na mga buwan. “We will welcome them all,” aniya.