Nakarekober na sa kanyang karamdaman si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at nangangailangan na lamang ng kaunting pahinga matapos na maospital bago mag-Pasko.
Sinabi ni Jackie Ejercito, pinayuhan ng mga doktor ang kanyang ama na magpahinga matapos na magtungo ito sa city hall nitong Martes.
“He is always on the go kaso napapagod rin siya but right now after he was hospitalized, he is okay now. The doctors advised him to rest for a while. That is why he is unable to make it here,” ayon kay Ejercito, matapos pangunahan ang “Pamaskong Handog” gift-giving activity ng Manila City government sa San Andres Sports Complex, para sa may 9,000 mahihirap na Manilenyo kahapon.
Nilinaw rin naman ni Ejercito, na siyang chairperson ng MARE Foundation, isang non-profit organization na tumutulong sa outreach programs ng city government, na dumanas ng asthmatic bronchitis ang ama.
“He is in a very good condition now. ‘Yung ubo niya ‘di na masyadong masama. Basta dapat mag-rest lang siya,” aniya pa. “Kailangan niyang magpahinga nang todo-todo. Kasi parang ‘di siya marunong magpahinga, eh.”
Naghahanap lang siya ng romansa.