Nag-leave muna sa kanyang posisyon si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar upang makatulong sa isinasaga­wang imbestigasyon hinggil sa sinasabing katiwalian na ibinunyag ng nagpakamatay na si dating Director Francisco Jose ‘Jun’ Villa, Jr.

Nabatid na nagbakasyon muna si Salazar at ito ay tatagal ng isang buwan, ‘effective immediately’ at pansamantalang itinalaga si Commissioner Geronimo Sta. Ana bilang Officer-In-Charge (OIC) ng komisyon.

“Today, I would like to announce that I am going on a one-month leave effective immediately,” ani Salazar, sa isang press statement.

“I have taken this step in order to focus on hel­ping in the ongoing and planned inquiries regarding issues related to the Energy Regulatory Commission (ERC), particularly those allegedly raised by the late Director Francisco Jose ‘Jun’ Villa Jr., prior to his recent death,” pahayag pa nito.

Sinabi ni Salazar na naniniwala siyang sa pamamagitan ng pagpopokus sa naturang isyu, mas magi­ging mabilis ang imbestigasyon at magkakaroon ito ng maayos na konklusyon.

“This is in the best interest of the ERC. The fas­ter the facts can be brought out in the open, the soo­ner we can put the matter to rest,” ani pa ni Salazar.

One Response