Iginiit ni Senate Committee on Energy Chairman Win Gatcha­lian ang pagsipa sa mga commissioner ng Energ­y Regulatory Board (ERC) na paulit-ulit nang sinuspende ng Ombudsman.

Ayon kay Gatchalian, dapat nang pag-aralan ang pagtatalaga ng mga taong mas alam ang kanilang ginagawa at may intensyong protektahan ang taumbayan.

“Dalawa po ang ERC commissioners na magre-retire, dapat palitan na sila at pag-aralang mabuti kung ang mga natitirang commissioners ay dapat na ring palitan ng mga taong mas alam ang kanilang ginagawa,” saad ni Gatchalian.
“Dapat ay seryosohin na natin to dahil at the end of the day, consumers ang magiging dehado rito,” dagdag pa ng senador.

Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi dapat nasususpende ang mga commissioner ng ERC dahil sila ang nagiging tagapagtanggol ng mga consumer.

Pag-aaralan anya nila ngayon ang mga repormang dapat ipatupad sa ERC upang hindi na ito maulit.

“Tinitignan natin kung paano ireporma sa ERC para hindi na paulit-ulit ito at napo-propose rin tayo nga­yon ng isang batas para tumibay at maging transparency at protektahan ang consumers,” giit ng senador.

Matatandaan na sinuspende ng Ombudsman ang apat na commissioner ng ERC dahil sa simple neglec­t of duty matapos payagan na magamit sa maling paraan ang bill deposit at isama sa ca­pital o operation cost ng Meralco.