ERC nanakot ng brownout, taas-presyo

Tinatakot ng Energy Regulatory Commission ang lahat na 13 milyong electricity consumers ang maaring mawalan ng kur-yente dahil sa kautusan ng Korte Suprema kamakailan na nagpapawalang bisa sa 90 power supply agreements habang pinagdidiwang naman ng isang grupo ang desisyon dahil magpapababa ito sa presyo ng kuryente.

“This decision will positively affect millions of consumers in the form of reduced electricity bills,”sabi ni Murang Kuryente spokesperson Gerry Arances. “We are happy that the Supreme Court agrees with us in our stance, that the ERC cannot unilaterally postpone the CSP (competitive selection process mandated by law.”

Ayon sa ERC, ipapawalang bisa ng desisyon ng Korte Suprema ang 99 PSA at maaring mawalan ng power supply ang 52 distribution utilities tulad ng Meralco. Sabi ng ERC, 13 milyong consumers ang apektado ng desisyon, 9.4 milyon sa kanila ang nasa Luzon, 1.8 milyon ang nasa Visayas, at 2 milyon ang nasa Mindanao.

Hihingan ng clarification ng ERC ang Korte Suprema tungkol sa naiulat nitong pagbabasura ng mahigit na 90 power supply agreements.

Sabi ng ERC, hindi pa nito natatanggap ang pormal na pagbabasura ng Korte Suprema sa motion for reconsideration nito ngunit sa hihingan nito ng direksyon ang Korte Suprema kung paano nito ipatutupad ang kautusan nitong nagbasura ng p­ower supply agreements.

“We have not yet received a copy of the Supreme Court’s resolution purportedly denying our motion for reconsideration,” sabi ni ERC chair and CEO Agnes VST Devanadera. Gayun pa man, sinabi niyang susundin nito ang direktiba nito.

“We only need to seek guidance through a motion for clarification on how to implement their decision particularly on the rates and the continued supply of electricity to the affected public uti-lities,” dagdag ni Devandadera.

Sakaling mawalan ng suplay ng kuryente ang Meralco at iba pang mga DUs, 743 megawatts na kuryente ang kakailanganing bilhin sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan ang presyo ay naglalaro sa P5 hanggang P8 per kilowatt hour, sabi ng ERC. Ayon sa ERC, ang presyo ng kuryente sa mga kontratang ipi-nawalang bisa ay nasa P3 hanggang P6 per kWh lamang kaya tiyak na magmamahal ang generation charge.

Sabi ng ERC, pinakamalala ang epekto nito sa Mindanao dahil hindi pa ito nakakabili sa WESM kung saan maaring kumaha ng kuryente ang mga DUs. (Eileen Mencias)